MANILA, Philippines – Tumanggi si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada na magpasok ng plea sa mga kasong graft at plunder laban sa kanya sa Sandiganbayan Fifth Division nitong Huwebes.
Inakusahan si Estrada na tumanggap ng kabuuang P573.75 milyon na kickbacks mula sa mga infrastructure at flood control project sa National Capital Region, Bulacan at Occidental Mindoro na kasama sa 2025 national budget.
Kasama niya sa kaso sina dating South Manila District Engineering Office (DEO) chief Manny Bulusan, dating Quezon City 1st DEO chief Arturo Gonzales Jr. at dating North Manila DEO assistant chief Denryl Caesar Cortuna.
Lahat ng akusado ay isinailalim sa government custody at dinala sa New Quezon City Jail sa Barangay Payatas noong Hunyo 1.
Noong Hunyo 4, nag-plead ng not guilty sina Bulusan, Gonzales at Cortuna. Naantala naman ang arraignment ni Estrada dahil sa ilang nakabinbing mosyon.
Ang arraignment ay proseso kung saan kailangang sabihin ng akusado kung siya ay guilty o not guilty, at dito pormal na nagsisimula ang criminal proceedings. RNT/MDS