Home NATIONWIDE Bonoan, humiling ng kautusan upang makalaya mula sa government custody

Bonoan, humiling ng kautusan upang makalaya mula sa government custody

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Atty. Steffanie Ong, legal counsel ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel “Manny” Bonoan, sa Sandiganbayan Fifth Division na maglabas ng kautusan para palayain siya mula sa government custody.

Ginawa ni Ong ang mosyon nitong Huwebes sa pagdinig para sa arraignment ng co-accused ni Bonoan na si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada.

Sinabi naman ni Sandiganbayan Fifth Division Chairperson Associate Justice Zaldy Trespesses, “We will note that and we will issue the corresponding order considering his exclusion.”

Noong Martes, pinagbigyan ng korte ang mosyon ng mga state prosecutor na alisin si Bonoan sa mga kasong graft at plunder laban sa kanya, Estrada at tatlong dating DPWH district engineers.

Ang pagtanggal kay Bonoan sa kaso ay kasunod ng hakbang ng Office of the Ombudsman na gamitin siya bilang state witness sa iba pang mga kasong may kaugnayan sa flood control corruption scandal.

Si Bonoan ay nasa hospital arrest mula noong Hunyo sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame dahil sa ilang karamdaman.

Samantala, sina Estrada, dating South Manila District Engineering Office (DEO) chief Manny Bulusan, dating Quezon City 1st DEO chief Arturo Gonzales Jr. at dating North Manila DEO assistant chief Denryl Caesar Cortuna ay inaakusahan ng pagkuha ng kabuuang P573.75 milyon na kickbacks mula sa mga proyektong nakapaloob sa 2025 national budget. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here