Home NATIONWIDE Marcos admin suportado ng Visayas govs

Marcos admin suportado ng Visayas govs

MANILA, Philippines- Inihayag ng mga gobernador mula sa Visayas ang kanilang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang manifesto ng ipirinisita nitong Huwebes sa Cebu City.

“Recognizing the remarkable progress the Marcos administration has achieved in advancing national development, driving economic recovery, and fostering regional growth, we wholeheartedly affirm our commitment to his leadership and vision for a Bagong Pilipinas — a government rooted in principles, accountability, and dependability, strengthened by unified societal institutions, all working toward a stronger, more prosperous, and united nation,” saad sa manifesto.

Ayon sa Philippine Communications Office, 16 gobernador mula sa Cebu at iba pang lalawigan sa Visayas ang lumagda sa manifesto na iprinisinta sa isang luncheon meeting, isa sa apat na events na dinaluhan nina Marcos at Special Assistant to the President Anton Lagdameo bilang bahagi ng una nilang pagbisita sa Cebu ngayong 2025.

Lumagda rin ang mga dati at kasalukuyang Cebu governors sa parehong manifesto sa founding anniversary ng lalawigan noong August 2024.

Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ni Marcos ang mga gobernador at iba pang opisyal sa Visayas na gawing prayoridad ang development projects at tapusin ang mga ito sa tamang oras.

Tinukoy din ng Pangulo ang mahahalagang government infrastructure projects sa Visayas kabilang ang New Cebu International Container Port, Cebu Bus Rapid Transit Project, ang ika-apat na Cebu-Mactan Bridge, at ang coastal road project. RNT/SA