Home NATIONWIDE Marcos, Duterte hinamon na magpa-drug test: Patutsadahan itigil na

Marcos, Duterte hinamon na magpa-drug test: Patutsadahan itigil na

MANILA, Philippines- Hinamon ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangulong  Rodrigo Duterte na kapwa sumailalim sa drug tests upang matigil ang patutsadahan ng magkabilang kampo na lubhang nakaaapekto sa bansa.

“Drug testing should always be suspicion less and voluntary. Para matapos na ang patutsadahan sa drug use ng dalawang lider ng bansa, I encourage them both to take the test,” ayon kay Hontiveros.

Naunang hinamon ni Duterte si Marcos na sumailalim sa drug test mula sa isang “independent body.”

Tinawag ni Duterte si Marcos na pawang “bangag” o drug addict saka binanggit na sina First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng kontrobersyal na signature campaign sa Charter change.

Ngunit hindi pumayag ang kasalukuyang Chief Executive na palampasin ang patutsada ni Duterte hinggil sa alegasyon ng pagiging drug addict.

Kaya’t pinaratangan din ni Marcos si Duterte na gumagamit ng fentanyl, isang addictive painkiller– na sumisira sa kalusugan ng dating Pangulo.

Kasabay nito, nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi nakasama si Marcos sa listahan ng gobyerno ng illegal drug users. Ernie Reyes

Previous articleP1.4M ilegal na droga nasamsam sa 2 tulak sa Navotas
Next articlePost ni Karla, kinuwestyon ng netizens!