Home ENTERTAINMENT Post ni Karla, kinuwestyon ng netizens!

Post ni Karla, kinuwestyon ng netizens!

220
0

Manila, Philippines – Pinaninindigan talaga ni Karla Estrada ang pagiging host ng Face to Face sa TV5.

Bakit ‘ika n’yo?

Kung ‘di ba naman, nakakaintriga ang latest photos na ipinost niya.

Pinagtabi ni Karla ang larawan ng anak niyang si Daniel Padilla at great grandfather nitong si Jose Padilla Sr.

Si Ginoong Padilla Sr. ang butihing kabiyak ni Mommy Eva CariƱo na ina ni Senator Robin Padilla et al.

Tanong tuloy ng mga netizens: what’s with the photos?

Was Karla trying to draw facial similarities ng maglolo?

Ayon sa mga sharp-eyed observers, to begin with ay pareho namang guwapo si Daniel at ama ng kanyang tatay.

‘Yun nga lang, mas kapansin-pansin na ‘di hamak na mas maliit ang mga mata ng senior Padilla.

Kung tutuusin nga raw ay malayong magkamukha sila kahit slight man lang.

Mas nakakahawig daw kasi ni Jose si BB Gandanghari noong kilala pa siya bilang si Rustom Padilla.

To top it all, hindi rin daw ‘nagmumura’ ang mga eyebags nito kumpara kay Daniel.

Kung ano-anong wild na imahinasyon ang naiisip ng mga netizens all because hindi nga nila maapuhap ang motibo o dahilan ni Karla for posting the two pictures nang magkatabi.

Anyway, ngayong February na nakatakdang mag-renew si Daniel ng kanyang kontrata sa Star Magic.

Nauna lang ang ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo na nakaiskedyul sa February 2.

So, hindi pala totoong lilipat ang 27 anyos na aktres sa Crown Artist Management ni Maja Salvador. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here