Home NATIONWIDE Taas-presyo sa LPG gumulong

Taas-presyo sa LPG gumulong

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng fuel firms nitong Huwebes ang pagtaas ng retail prices ng liquefied petroleum gas (LPG).

Sa isang abiso, sinabi ng Petron na umakyat ang household LPG price ng P0.95 kada kilo, epektibo Pebrero 1, alas-12 ng hatinggabi.

Katumbas ito ng halos P10 dagdag sa presyo ng tipikal na 11-kilogram LPG cylinder.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of February,” anang Petron.

Gayundin, sinabi ng Solane na tumaas ang LPG price nito ng P0.91 kada kilo– katumbas ng halos P10 dagdag para sa 11-kilogram LPG tank. Umiral ito sa parehong araw, pagsapit ng alas-8 ng umaga.,

Ito an ikalawang sunod na buwan ng pagtaas ng presyo ng LPG mula nang pumasok ang taon. RNT/SA