Home METRO Tanod timbog sa mga baril, bala sa Bulacan entrapment ops

Tanod timbog sa mga baril, bala sa Bulacan entrapment ops

Bulacan – Arestado ang isang 45-anyos na barangay tanod matapos mahulihan ng ilegal na baril at bala sa entrapment operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Baliwag.

Ayon kay PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Victor.”

Aniya, ikinasa ang operasyon ng Bulacan Provincial Intelligence Unit at Baliwag police station bandang alas-11:30 ng gabi nitong Enero 31 sa Brgy. Tangos.

Nabatid na nabilhan ang suspek ng caliber 38 revolver na walang serial number sa halagang P3,000 kaya agad itong inaresto ng mga nakaabang na pulis sa lugar.

Nakumpiska pa sa operasyon ang dalawang caliber .38 ammunition, improvised shotgun, improvised caliber .22 pistol, apat na 12 gauge ammunition, caliber .22 magazine, black holster, shoulder bag, Kawasaki Bajak, tunay na P1,000 bill at dalawang piraso ng P1,000 boodle money.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang himpilang humuli sa kanya. Dick Mirasol III

Previous articleTaas-presyo sa LPG gumulong
Next articleParak sugatan sa nanlabang suspek