Home METRO Parak sugatan sa nanlabang suspek

Parak sugatan sa nanlabang suspek

MANILA, Philippines- Nasugatan ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang pumalag ng isang lalaking sisilbihan ng warrant of arrest sa Cavite City.

Base sa ulat, kinilala ang nasugatan na si PCpl Jayson Fulgencio, naka-assign sa Warrant Section ng Cavite CPS.

Dakong alas-8 ng gabi nang isilbi ng biktima ang isang warrant of arrest laban kay Nino Comiso Parungao, 35, sa kasong Qualified Theft (Revised Penal Code Article 310) sa Barangay 25, Cavite City.

Dito pumalag ang suspek at nagwala na ikinasugat ni Fulgencio, subalit kalaunan ay naaresto rin ang una at dinala sa nasabing himpilan para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Margie Bautista

Previous articleTanod timbog sa mga baril, bala sa Bulacan entrapment ops
Next articleLibo-libong trabaho naghihintay sa mga Pinoy sa Israel ‘pag humupa na ang kaguluhan