Home NATIONWIDE Marcos kasunod ng Houthi attack: ‘Freedom of navigation’ igalang

Marcos kasunod ng Houthi attack: ‘Freedom of navigation’ igalang

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na igalang ang ‘freedom of navigation’ kasunod ng panibagong pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa mga barkong naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden dahilan ng pagkamatay ng dalawang Filipino seafarers.

Winika ng Pangulo na ang gobyerno ay ‘committed’ na tiyakin ang kaligtasan ng Filipino seafarers at tulungan na makabalik ang  crew members ng True Confidence na tinamaan ng missile.

“The Philippines joins global calls for the end to this conflict and for full respect for the principle of freedom of navigation,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang.

“We remain firmly committed to the safety and welfare of our seafarers and overseas Filipino workers in the region,” nakasaad pa rin sa kalatas.

Sa ulat, sinabing napatay ang dalawang Filipino seafarers sa Gulf of Aden habang sugatan naman ang ilang Pinoy na lulan din ng barko.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa pamilya ng dalawang namatay na seafarers at “will spare no effort” upang maibalik ang kanilang mga labi sa bansa.

Inatasan din ng Chief Executive ang Departments of Foreign Affairs (DFA), Migrant Workers (DMW), Health (DOH), at Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang seafarers at kanilang pamilya.

Sa panig naman ng DMW, nakipag-ugnayan na rin ito sa principal shipowner at manning agency para maasikaso ang pagpapauwi sa Filipino crew members ng barko, at hinikayat ang shipowners na dumaraan sa Red Sea at Aden Gulf na sumunod sa pinalawak na “high-risk areas” designation.

Noong Nobyembre, naibalitang nabihag ng Houthi ang 17 Pilipino matapos pasukin kunin ang isang cargo ship sa timog bahagi ng Red Sea.

Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary na maaaring may koneksyon ang naturang aksyon bilang protesta sa digmaan sa pagitan ng Israel ang mga militanteng Palestino.

Matatandaang sinabi ng Houthi hostage-takers na wala silang sasakyang banyagang bihag lalo na’t tinatrato raw nila ang mga nabanggit alinsunod sa prinsipyo at pananaw ng Islam. Kris Jose

Previous articlePBBM bibisita sa Central Europe
Next articleTuristang Korean nasagip sa abusadong kababayan sa Pasay