Home METRO Turistang Korean nasagip sa abusadong kababayan sa Pasay

Turistang Korean nasagip sa abusadong kababayan sa Pasay

MANILA, Philippines- Nasagip ang babaeng Korean na makailang ulit umanong inabuso ng kapwa niya Korean sa Pasay City, matapos alertuhin ng kanyang ama ang South Korean Embassy sa Pilipinas.

Ayon kay Pasay Police Investigation and Detective Management Section officer-in-charge Police Captain Dennis Desalisa, nagkakilala ang dalawa sa isang karaoke television (KTV) bar kung saan nagtrabaho ang biktima.

“Nag-meet lang sila sa isang KTV kasi itong victim, tourist lang siya dito at dahil nagkulang siya ng pera allegedly, nag-work siya sa isang KTV dito sa Parañaque,” pahayag niya nitong Linggo.

Dinroga umano ang biktima bago ito gahasain ng suspek, batay sa kanyang ama. Nasagip siya sa isang condominium unit sa Pasay City, kung saan naaresto ang suspek na tumangging magbigay ng komento.

Narekober sa unit ang mga pakete ng hinihinalang shabu o methamphetamine at cocaine, maging improvised paraphernalia. RNT/SA

Previous articleMarcos kasunod ng Houthi attack: ‘Freedom of navigation’ igalang
Next articlePaslit inatake ng 4 aso, kaliwang tenga natapyas!