Home METRO Paslit inatake ng 4 aso, kaliwang tenga natapyas!

Paslit inatake ng 4 aso, kaliwang tenga natapyas!

MANILA, Philippines- Sugatan ang dalawang taong gulang nang atakihin ng apat na aso sa Calbiga, Samar, ayon sa ulat.

Batay sa inisyal na imestigasyon, sinundan umano ng bata, na hindi tinukoy ang kasarian, ang kanyang ina patungo sa trabaho.

Napadpad umano ang bata sa koral ng baboy, kung saan may apat na asong nagbabantay at mga hindi nakatali.

Inatake ng mga aso ang bata, na nawalan ng tenga at may sugat sa kanang bahagi ng kanyang tenga.

Itinali na ng may-ari ng babuyan ang mga aso at nangakong tutulungan ang pamilya ng bata. RNT/SA

Previous articleTuristang Korean nasagip sa abusadong kababayan sa Pasay
Next articleUS-funded port sa Batanes pinaplantsa na