Home METRO US-funded port sa Batanes pinaplantsa na

US-funded port sa Batanes pinaplantsa na

BASCO, Batanes- Nakahanda na ang plano para sa konstruksyon ng US-funded civilian port sa Batanes, ang northernmost Philippine island province na nakaharap sa kritikal na channel na naghihiwalay sa bansa mula sa Taiwan, ayon sa gobernador nito noong weekend.

Sa isang panayam, sinabi ni Batanes Governor Marilou Cayco na darating ang US Army sa katapusan ng Abril upang talakayin ang bagong pasilidad sa lalawigan. Posibleng maging alternatibo ang port sa isa pang katulad na pasilidad sa kanlurang bahagi ng probinsya.

Matatagpuan ang Batanes, pinakamaliit na lalawigan sa bansa halos 200 kilometers mula Taiwan, at mayroong “strategic significance” sakaling sumiklab ang kaguluhan sa China at Taiwan.

Ani Cayco, nilalayon ng plano, na binuo sa pakikipagtulungan sa Philippine military, na tanggapin ang tatakas na Filipino workers sa Taiwan sakaling magkaroon ng kaguluhan. Noong nakaraang buwan, inihayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang kahandaang paigtingin ang military presence sa Batanes.

Nitong Sabado, nagsagawa ng seremonya ang Philippine Navy sa Batanes. Nakatakdang maging lokasyon ang probinsya ng annual joint military drills sa pagitan ng Pilipinas at ng United States sa April at May. RNT/SA

Previous articlePaslit inatake ng 4 aso, kaliwang tenga natapyas!
Next article80% ng PUVs consolidated na – LTFRB