Home HOME BANNER STORY Marcos, pinamamadali bagong guidelines sa class suspension

Marcos, pinamamadali bagong guidelines sa class suspension

1
0

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng bagong guidelines sa suspension at resumption ng klase upang maiwasan ang kalituhan sa mga magulang, estudyante at paaralan kapag pabagu-bago ang panahon, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralan pa ang magiging sistema, kabilang ang koordinasyon ng local government units at Department of Education (DepEd) sa pag-aanunsyo ng suspensyon.

“Kailangan pong aralin para hindi po magkaroon ng miscommunication o malito ang mga magulang, ang mga bata kung anong oras papasok o hindi papasok,” ani Castro.

Bahagi ng panukalang Executive Order ang posibilidad ng automatic, localized o granular suspension, depende sa uri at lawak ng panganib sa isang lugar. Hinikayat din ng DepEd ang mga LGU na tukuyin lamang ang mga barangay, munisipalidad o paaralang aktuwal na apektado kung hindi naman kailangan ang malawakang suspensyon.

Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), isang tipikal na public elementary school ang nawalan ng humigit-kumulang 20 teaching days dahil sa hazard-related class suspensions noong School Year 2025–2026, katumbas ng halos isa sa bawat 10 araw sa official school calendar.

Tinataya rin ng EDCOM 2 na bawat araw ng class suspension ay kaugnay ng humigit-kumulang 1.4 araw na nawawalang reading progress, dahilan upang isulong nito ang mas localized at evidence-based na suspension ng klase habang nananatiling prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here