Home HOME BANNER STORY Castro, kinuwestyon kahandaan ni VP Sara na pumalit kay Marcos: Seriously?

Castro, kinuwestyon kahandaan ni VP Sara na pumalit kay Marcos: Seriously?

1
0

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ng Malacañang ang pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte na handa itong pumalit bilang pangulo sakaling magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginawa ni Palace Press Officer Claire Castro ang pahayag matapos sabihin ni Atty. Paolo Panelo, spokesperson ni Duterte, na nakahanda ang Bise Presidente na maupo bilang pangulo kung bababa sa puwesto si Marcos.

“Kung kakayanin niya sa ngayon na pumalit kay Pangulong Marcos Jr., seryoso ba ito?” ani Castro sa Palace briefing.

Muli ring tinawag ni Castro na “absolutely delusional” ang panawagan ng kampo ni Duterte na magbitiw ang Pangulo. Nauna nang sinabi ng Palasyo noong Setyembre 15 na wala umanong legal na batayan ang naturang panawagan.

Nauna namang sinabi ni Panelo na mahirap umanong seryosohin si Castro at hindi nakatuon ang kampo ng Bise Presidente sa pagsagot sa kanyang mga pahayag.

Tugon ni Castro, nasa publiko na ang paghusga sa tono at nilalaman ng mga pahayag ng magkabilang panig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here