Home NATIONWIDE Marcos: Reporma sa DPWH, sinimulan na matapos flood control probe

Marcos: Reporma sa DPWH, sinimulan na matapos flood control probe

1
0

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na sinimulan na ang mga reporma sa Department of Public Works and Highways kasunod ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, sinabi ni Marcos na kumuha na bukod sa pagsasampa ng kaso, sinimulan na rin ng administrasyon ang mga reporma sa DPWH.

Kabilang dito ang pagkuha ng mga bagong graduate at career personnel, pagsusuri sa lahat ng infrastructure project mula pagpaplano hanggang pagpapatupad, pagtutugma ng presyo ng construction materials sa umiiral na market rates, at pagpapalakas ng monitoring sa pamamagitan ng Transparency Portal, Integrity Chain at partisipasyon ng civil society.

Ayon kay Marcos, hindi lamang mga flood control project kundi lahat ng infrastructure project ang masusing sinuri upang matiyak na kailangan, maayos ang pagpaplano at pagpepresyo, at tama ang pagpapatupad ng mga ito.

Idinagdag niya na itinugma sa umiiral na presyo sa merkado ang halaga ng mga materyales upang maiwasan ang overpricing.

“Every project and its allocated funds are under close monitoring through the Transparency Portal, the Integrity Chain, and our partner civil society organizations,” aniya pa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here