MANILA, Philippines- ”I want to be respected but maybe fear is better.”
Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nang tanungin kung nais niyang katakutan o irespeto. Inihayag niya ito sa panayam kasama ang ang broadcaster na si Anthony Taberna kung saan tinanong siya ng huli ukol sa korapsyon sa pamahalaan.
Base sa interviewer, tila nananatiling mabait ang Pangulo sa kabila ng corruption issues.
”Anong gagawin ko? Maging masamang tao? Siguro dapat nga talaga maging mas mabagsik talaga,” giit ni Marcos.
”Sa nakaraang taon, three years, basta’t may report kami, validated, tanggal ‘yan. Hindi na namin inaannounce pero tanggal ‘yan, kadalasan…” aniya.
”Marami na… pero hindi na namin pinaguusapan kasi gulo na naman eh. Basta umalis ka na, kung hindi kakasuhan ka namin, kukulong kita, umalis ka na lang,” dagdag ng Pangulo.
”Titingnan namin bakit mabagal ang baba ng serbisyo, ano ang gagawin natin para pabilisin.”
Nang tanungin kung may tatanggalin siyang Cabinet official, nagbabala si Marcos: ”Baka mangyari ‘yan dito nga sa ginagawa naming performance review… yun ang warning ko sa kanila, that’s what we will have to look again.” RNT/SA