Home NATIONWIDE PBBM sa Eleksyon 2025 results: Mga Pinoy sawa na sa politika

PBBM sa Eleksyon 2025 results: Mga Pinoy sawa na sa politika

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na may dalawa siyang konklusyon sa sa Eleksyon 2025 —pagod na ang mga tao sa politika at dismayado sila sa pamahalaan.

”Una, nagsawa na ang Pilipino sa pulitika. Sawang-sawa na sa pulitika. Ang mensahe, sa amin lahat – hindi lamang sa akin, kung hindi sa aming lahat – tama na ‘yung pamumulitika ninyo at kami naman ang asikasuhin ninyo,” pahayag ni Marcos sa isang podcast kasama ang broadcaster na si Anthony Taberna.

”Tama rin naman eh. Iyan naman talaga ang dapat nating ginagawa. Kaya mabuti, o tapos na ‘yung eleksyon, tama na ‘yung pulitika. Tama na ‘yung pulitika. Magtrabaho – gawin na natin lahat ng kailangang gawin,” giit ni Marcos.

”Iyong pangalawa, disappointed ang tao sa serbisyo ng gobyerno. Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw nang pagbubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman,” ani Marcos. RNT/SA