Home NATIONWIDE Marcos Sr. inalala ni PBBM sa paggunita sa ika-107 kaarawan

Marcos Sr. inalala ni PBBM sa paggunita sa ika-107 kaarawan

NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para alalahanin ang kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., sa isang wreath-laying ceremony sa Marcos Monument sa Batac City, Ilocos Norte, ngayong araw ng Miyerkules, September 11, 2024.

Bago pa ang seremonya, dumalo ang Pangulo kasama ang First Family sa isang Thanksgiving Mass sa Immaculate Conception Parish-Batac.

Kasunod ng wreath-laying program, sumali naman si Pangulong Marcos Jr. sa ‘Natnateng Cook-Off Showdown,’ isang culinary na nagpapakita ng iba’t ibang ‘signature vegetables dishes’ sa Province of Ilocos Norte bilang bahagi ng Marcos Day Celebration.

Ang event ngayong araw ay pagdiriwang sa ika-107 anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Marcos Sr.

Nauna rito, ginamit ni Pangulong Bongbong Marcos ang social media para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ama, tinawag niya ito bilang kanyang “guiding force” at “steady voice of reason” sa pagtupad sa kanyang papel bilang lider ng bansa.

“Not a day goes by where I don’t think about my father. His wisdom remains a guiding force, a steady voice of reason reminding me of the principles that should lead our nation forward,” ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, ibinahagi ang photo collage na magkasama silang mag-ama sa nakalipas na mga taon.

“Happy birthday, Dad! We continue to celebrate you and honor your lasting legacy,” dagdag na wika ni Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, idineklara naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang Sept. 11 bilang non-working day sa kanilang home province Ilocos Norte para gunitain ang kaarawan ng kanyang ama.

Habang pinangungunahan ang “Marcos Day” celebration sa Batac City ay mamamahagi ng tulong sa mga mangingisda at magsasaka at mga benepisaryo ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program.

Kris Jose