Home NATIONWIDE Marcos, Wong nagkasundo sa pagpapalalim ng pagtutulungan ng Pinas, Singapore sa AI,...

Marcos, Wong nagkasundo sa pagpapalalim ng pagtutulungan ng Pinas, Singapore sa AI, kalakalan, pamumuhunan

1
0

SINGAPORE, Singapore – Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Singapore Prime Minister Lawrence Wong na mas palalimin pa ang pagtutulungan sa larangan ng kalakalan, artificial intelligence (AI), investments, pangangalagang pangkalusugan at social development habang hangad ng dalawang bansa na palawakin ang economic ties at tugunan ang umuusbong na oportunidad sa digital economy.

Kasunod ng kanilang pagpupulong sa Istana sa Singapore noong Hulyo 15, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pag-uusap ay nakatuon sa pinalawak na kolaborasyon sa mga mahahalagang lumalaking sektor habang ginagalugad ang mga paraan para i-maximize ang benepisyo ng AI at makahikayat ng mas maraming investments.

“Today, I met with Prime Minister Lawrence Wong to discuss how the Philippines and Singapore can expand trade, navigate the adoption of AI, attract more investments and deepen cooperation in the health and social sectors,” ang sinabi ng Pangulo sa isang Facebook post.

Para naman sa Singapore, mayroong mahalagang potensiyal para mas mapalakas ang bilateral cooperation sa artificial intelligence at maging ang green at digital economies, habang nananatili itong pinakamalaking foreign investors ng Pilipinas.

Tinuran pa ni Pangulong Marcos na ang dalawang lider ay pumayag din na isulong ang bagong bilateral agreements.

“We also agreed to move forward with new bilateral agreements that will strengthen our partnership and benefit our peoples,” ayon kay Pangulong Marcos.

Pinasalamatan naman ni Wong si Pangulong Marcos at ang liderato ng Pilipinas bilang chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong taon at sinabing handa ang Singapore na makatrabaho ang Maynila upang masiguro ang ‘smooth transition’ kapag nag- assume na ito ng bloc’s chairmanship sa susunod na taon.

“So we will work closely together to ensure a smooth transition and continue strengthening ASEAN’s unity and resilience in this more uncertain world,” ang sinabi naman ni Wong sa isang Facebook post.

Gayundin, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan sa pagitan ng dalawang Southeast Asian neighbors sa pagpo-promote ng ‘regional peace, stability, at shared prosperity.’

“As close neighbors and partners in ASEAN, we will continue working together to keep our region peaceful, stable and open to greater opportunities for everyone,” ani Pangulong Marcos. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here