Home ENTERTAINMENT Marian, may katapat na bilang ‘Primetime Queen’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Marian, may katapat na bilang ‘Primetime Queen’!July 14, 2024 13:102300 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – No doubt na sa turf o teritoryo ni Marian Rivera na GMA ay siya ang Primetime Queen.Ito’y sa kabila ng katotohanang wala palagi sa primetime block ang kanyang mga pinagbibidahang show.Siyempre, ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes ang male counterpart.Kung tatawid ka naman sa kabilang TV network, ang katapat ni Dingdong sa ABS-CBN ay si Coco Martin.For many years now, hawak ni Coco ang titulong ‘yan.Pero ang tanong: sino ang katapat ni Marian sa Kapamilya channel, meron ba?Ang sagot: meron!‘Yun nga lang, “Primetime Queen”: quote unquote!Ayon sa mga nagkakaisang netizens, ‘yun ay walang iba kundi si direk Joel Lamangan!As the viewers very well know, si direk ay umaakting din–this via Batang Quiapo.He plays Roda, isang talakerang bading na laging kabardagulan si Lena played by Mercedes Cabral.Sey nga ng isang netizen, si Roda raw ang nagdadala ng palabas.Of late, target ng mga basher ang BQ dahil sa bagal ng pacing nito.But as far as most viewers are concerned, si direk Joel ang saving grace nito.Minsan nang sinabi ng multi-awarded director na “spoiled” siya sa BQ.Bukod kasi sa maaga ang kanyang cutoff for a day’s taping ay kaliwaan pa ang bayad.Saan ka pa? Ronnie Carrasco III