Home ENTERTAINMENT Marian Rivera, tinutulak na gumanap sa biopic ni Angelica Yulo!

Marian Rivera, tinutulak na gumanap sa biopic ni Angelica Yulo!

Manila, Philippines – Naganap na nga ang solo presscon ni Angelica Yulo, ang ina ng gold medalist ng 2024 Paris Olympics na si Carlos, na mistulang naging internet celebrity agad.

Kasama nito ang kanyang attorney na si Raymond Fortun.

As expected, hindi mapigilang maiyak ng viral sensation habang binabasa ang opisyal niyang pahayag matapos magsalita sa TikTok si Caloy katabi ang gilfriend nitong Fil-Australian TiktToker na  si Chloe San Jose.

“Matanda ka na, kayo mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera o wala, kung nanaisin mong bumalik sa amin,” sey niya.

Matapos ang presscon ay naipaabot namin kay Angelica ang tanong ng netizens kung sino ang ibig niyang gumanap ng kanyang life story ngayong marami na ang nagkainteres na produ sa kanya.

Natawa lang siya pero napa-“why not” siya nang humirit ang isang taga-media ng ‘Marian Rivera.’

Nilinaw ni Mrs. Yulo na hindi niya blinak sa Facebook si Caloy pero sa messenger lang. Hindi pa sigurado kung ready na siyang i-unblock ito.

“Kinakapa ko pa,” pahayag niya.

Mistulang eksena sa isang teleserye ang naging yakapan ng nanay ni Carlos, ang kapatid nitong si Jorielgel, at ang tatay nitong si Mark. Umaagos ang mga luha nila habang napalilibutan ng mga camera. Trixie Dauz