Home METRO Marijuana tinangkang ipasok sa Pasay City Jail, itinago sa ari

Marijuana tinangkang ipasok sa Pasay City Jail, itinago sa ari

MANILA, Philippines – Hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng jailer ang tangkang pagpupuslit ng marijuana sa male dorm ng Pasay City Jail.

Sa paunang report ni Pasay City Jail Warden Superintendent Alberto Tapiru Jr MPA, dakong 1:45 pm ng June 1, nang maaktuhan ang tangkang pagpupuslit ng isang glass tube na may undetermined amount ng marijuana leaves ng isang dalaw para sa persons deprived of liberty (PDL) na nakakulong sa male dorm.

Kinilala ang dalaw na isang Awra Sungla, kapatid umano ng PDL na si Michael John Sungla.

Sa regular search na isinasagawa sa mga dalaw ng PDL, napansin ng Jailer na asiwa sa kilos ang dalaw kaya isinailalim sa Strip search/visual body cavity search ni J01 Erica Rose Bondoc si alyas Awra sa search room sa Pasay City Jail male dorm.

Sa masinsinang search, natuklasan ni Bondoc na nagpasok ng marijuana leaves sa glass tube na isinilid sa condom bago ipinasok sa kanyang ari si alyas Awra.

Nahaharap ngĂ yon si alyas Awra sa kasong paglabag sa pagdadala ng bawal na droga sa Pasay City Jail Male Dorm araw ng Sabado. Dave Baluyot