Home TOP STORIES Marikina Mayor Maan Teodoro isinalba ang Brgy. Tumana, ibinalik ang supply ng...

Marikina Mayor Maan Teodoro isinalba ang Brgy. Tumana, ibinalik ang supply ng tubig

252
0
Marikina City Mayor Maan Teodoro and District 1 Rep. Marcy Teodoro pay the P15 million partial payment of Barangay Tumana’s outstanding debt to Manila Water, restoring the area’s vital water supply in time for Christmas. They were accompanied by members of the City Council at the Manila Water Office in Tumana on December 20, 2025. DANNY QUERUBIN

Dahil sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Pasko na walang suplay ng tubig ang mga residente ng Barangay Tumana.

Personal na nagtungo si Mayor Teodoro sa tanggapan ng Manila Water Marikina Service Area bitbit ang P15 milyon upang bayaran ang bahagi ng utang ng Barangay Tumana.

Lumobo ang utang ng Barangay Tumana sa P37,192,199.98 matapos mabigong i-remit ni Barangay Captain Akiko Centeno sa Manila Water ang bayad ng mga residente.

Dahil dito, napilitan ang Manila Water na putulin ang supply ng tubig sa lugar, na ikinaalarma at ikinabahala ni Mayor Teodoro.

Bilang tugon, pinamadali niya sa Sangguniang Panlungsod ang pagpasa ng ordinansa na maglaan ng P15 milyon bilang pambayad upang maibalik kaagad ang supply ng tubig sa barangay.

Matapos magbayad sa Manila Water, agad na hiniling ni Teodoro sa kompanya na agad ibalik ang supply ng tubig sa 13 common points sa barangay.

Personal na sinaksihan ni Mayor Teodoro at Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro ang muling pagdaloy ng supply ng tubig sa mga gripo sa barangay.

Nangako naman si Mayor Teodoro na papanagutin ang mga responsable sa pagkaputol ng supply ng tubig sa lugar.

“May mananagot, at sisiguruhin nating hindi na ito mauulit. At malinaw po ito: hindi ko papayagan na ang mga taga-Tumana ang magdusa dahil sa pagkukulang ng iilan,” wika niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here