Home ENTERTAINMENT Maris at Anthony, inuurot magbalikan!

Maris at Anthony, inuurot magbalikan!

3
0

Manila, Philippines – In progress na ang shoot ng book 2 ng patok na seryeng Incognito na pinagbidahan noon nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal at Anthony Jennings.

Dahil namatay na ang karakter ni Baron sa part 1, may balitang may additional cast na papasok sa ikalawang aklat ng hit na TV series.

Sa isang clip nga, makikita ang pagdating sa airport ng Tawi-Tawi ng cast kung saan sila magsho-shoot.

Since it’s a Mindanao territory, expected na heavy din ang security enforcement para maprotektahan ang cast members.

Anyway, umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang muling pagsasama nina Maris at Anthony sa kanilang follow up project.

Ito ang hirit ng ilang tsismosang kapitbahay.

“Parang di na makakawala sina Maris at Anthony sa isa’t-isa.”

“Di kaya ma-develop uli sila sa isa’t-isa?”

“Di ba diyan nade-develop kapag lagi kayong magkasama at nagkikita.”

“Wala nang iwasan.”

“Professional daw sila. Charot.”

“The more you see, the more you want.”

“Hindi ako magtataka kung one day, may balikang magaganap.”

“Why not. Alam ko, pareho silang single.”

“Di ba may bagong mystery guy na si Maris?”

“Di naman confirmed iyon.”

“Love is lovelier the second time around.”

“Wow, balik-tambalan ang idols ko.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here