MANILA, Philippines – Pinaigting pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang maritime patrol operations at aerial drone surveillance sa katubigan ng Pangasinan matapos matagpuan ang isang tonelada ng shabu sa baybayin.
Ang aerial drone survellaince ay isinagawa rin upang matagpuan at marekober ang iba pang sako ng kontrabando na pinaniniwalaang mayroon pang inanod na illegal na droga.
Mula Hunyo 5 hanggang 8, ilang sako ng shabu na nagkakahalaga ng ilang bilyong piso ang narekober mula karagatan ng Pangasinan.
Ilang sako din ng illegal na droga ang narekober sa baybayin ng Zambales at Ilocos Sur.
Nagpahayag naman ng buong pangako si Coast Guard District Northwestern Luzon commander Captain Mark Larsen Mariano sa joint operation kasama ang mga anti-illegal drug agents, pulis, lokal na pamahalaan at komunidad ng mga mangingisda. Jocelyn Tabangcura-Domenden