MANILA, Philippines – TINITINGNAN ng Department of Agriculture (DA) na magpalabas ng P20-per-kilo na bigas sa mas maraming lokasyon sa lalong madaling panahon, na may kaakibat na layunin nito para sa nationwide release sa January 1, 2026.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may 80 KADIWA o Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita Centers ang kasalukuyang ang nagbebenta ng P20 kada kilo.
“Sa Cebu meron na, Bacolod, susunod is Siquijor tapos baka Bohol then CamSur (Camarines Sur) magkakaroon din. San Juan sa Metro Manila and Navotas, malapit na rin,” ayon kay Tiu Laurel.
Ito’y matapos na hangarin ng administrasyon na mas ibaba ang presyo ng commercial rice, na may P20-per-kilo rice — isang campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panahon ng presidential run noong 2022 — ibinebenta sa KADIWA Centers simula pa noong Mayo, na sinasabing tatagal hanggang Disyembre.
Nauna rito, sinabi ng DA na plano nito ang nationwide rollout sa January 1, 2026, subalit sa ngayon, ang P20-per-kilo rice ay magiging available sa KADIWA Centers at sa pamamagitan ng local government units.
Sa ilalim ng programa, nakatakdang bumili ang ghobyerno ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa halagang P33 kada kilo. Ito ay mabibili naman ng publiko sa halagang P20 kada kilo, na may P13 kada kilo na subsidy na paghahatian ng national government at local government units kung saan tig- P6.50 kada isa.
Si Tiu Laurel nito lamang Enero ay nagpahayag na ang NFA ay nakatakdang bumili ng 300,000 metric tons ng bigas ngayong taon, kumpiyansa na tatamaan ng bansa ang record para sa palay production.
“Pasensya na ho sa mga mamamayan at kailangan lang namin ma-implement ito stage by stage dahil may mga kulang pa rin kaming logistics tulad ng truck, katulad ng driver, pero ‘yung bigas marami naman ho,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
Makikita naman sa monitoring ng DA na ang presyo ng local commercial rice sa Metro Manila markets ay mula P38.17 kada kilo hanggang P57.73 kada kilo ‘as of June 4, 2025.’
Ani Laurel, makabubuti sa Rice Tariffication Law (RTL) na maamiyendahan para maibalik ang kapangyarihan sa NFA na magbenta ng bigas na direkta sa pamilihan, na posible na ngayon sa pamamagitan ng deklarasyon ng food security emergency sa bigas.
“Isa pang problema, kung ma-lift ‘yun, titigil ‘yung programa natin kaya kailangan talaga maamyendahan ito,” ang sinabi ng Kalihim sabay sabing patulyo na pinag-aaralan ng DA ang mga patakaran at legalidad ng nasabing usapin.
Ang RTL, naging epektibo noong March 5, 2019, “allows unlimited importation of rice as long as private sector traders secure a phytosanitary permit from the Bureau of Plant Industry and pay the 35-percent tariff for shipments from neighbors in Southeast Asia.”
Nilagdaan upang maging ganap na batas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, naglaan ang batas ng P10 billion para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), kung saan, ang P5 billion ay ilalaan sa farm mechanization at P3 billion para sa seedlings.
“Kailangan ho nating maamyendahan ‘yung RTL. Hindi namin sinasabi ‘yung RTL ay mali totally, hindi ganon ang posisyon ng DA. Kailangan maibalik ‘yung natanggal,” ang sinabi pa ni Tiu Laurel. Kris Jose