Manila, Philippines – 19 years na pala sa showbiz si Kim Chiu. Isang taon na lamang at dalawang dekada na siya.
Sa mga bagong henerasyon ng artista, achievement na itong maituturing.
At bilang pasasalamat, nag-post ang aktres ng kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang social media, na sinumulan niya sa pagsasabing nangarap lang siya noong sumali sa Pinoy Big Brother.
“Nineteen years ago, I was just a young dreamer who wanted to be seen on television—no idea where life would take me, no certainty, just faith,” simulang post ni Kim.
Sino nga raw ang makakaisip na ang simpleng pangarap ay maisasakatuparan niya.
Nagpasalamat siya sa kanyang mga supporters na mula sa unang pagtuntong niya sa PBB, at hanggang ngayon ay patuloy na sinusuportahan at minamahal siya.
“Your unconditional love, your cheers, your patience, your endless support in every project, teleseryes, variety shows, concerts, movies, commercials, and even in the quiet moments—thank you.”
Wala raw sapat na salita para ilarawan ang kanyang nararamdaman dahil sobra raw niya itong na-appreciate lalo na sa mga panahong muntik na siyang sumuko dahil sa mga intriga noon.
Higit sa lahat, pinasalamatan niya ang Panginoon na nagbigay sa kanya ng courage para magpatuloy at manatiling mapagkumbaba.
“This life, this journey… it’s all because of You,” pagkatapos niya. Rommel Placente