Home ENTERTAINMENT Netizens, sinabing gagawing pulutan ni Coco si Angeli Khang!

Netizens, sinabing gagawing pulutan ni Coco si Angeli Khang!

263
0

Manila, Philippines – Pinagpipiyestahan ang kumalat na pic nina Coco Martin at Angeli Khang sa social media.

Bahagi pala ito ng pa-teaser ng upcoming episodes ng FPJ’s Batang Quiapo na humahataw pa rin sa ratings.

Magiging parte na pala ng nasabing long running aksyon serye ni Coco ang tinaguriang Vivamax Queen.

Sey naman ng kibitzers, may bagong bibinyagan daw si Coco sa naturang programa na ipinuprudyus at pinagbibidahan ng aktor-producer.

Pang-iintriga pa ng mga kate-katera, may bago raw pupulutanin ang Kapamilya Primetime King pagkatapos maging guest din si Angeli sa “Black Rider” kung saan nag-viral ang kissing scene nito with Ruru Madrid.

Ito ang ilang komento ng mga katikatera at sawsawera.

“Hehe. May bagong pupulutanin si Coco.”

“Si Coco, matic na may kissing at love scene kay Angeli.”

“Nasatisfy na naman ang fantasy ni Direk Cowcow.”

“Natupad na naman ang isa sa mga pantasya ni Coco.. one fantasy at a time ah, hahaha, matindi!”

“Ang Vivamax Queen ang bagong bibinyagan ni Coco.”

“Parang okay lang naman. Alam talaga nila ang male market.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here