Home NATIONWIDE Maritime Zones Bill, Lusot sa Bicam Review

Maritime Zones Bill, Lusot sa Bicam Review

Lusot sa bicameral review ang bersyon ng Senado at Kamara sa panukalang batas na Maritime Zones Bill. Ang panukalang ito ay nagtatakda at nagtatatag ng mga territorial waters at continental shelf ng Pilipinas.

Ayon kay Sen. Francis “Tol” Tolentino, ang pangunahing may-akda ng panukalang batas, tinanggap sa Kamara ang bersyon ng Senado na may amendment sa reciprocity provision.

No description available.

“Then, the bill will be enrolled and transmitted to the President for signature. It becomes a law once signed by the President or upon the lapse of 30 days from transmittal (date of receipt by the office of the President) to the President,” ani Tolentino.

Sinabi niya na ang Maritime Zones Bill ay sumusunod sa ating Saligang Batas at sa pandaigdigang batas, partikular na sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa panukalang batas na pumasa sa bicameral review, ang mga maritime zone ng arkipelago ng Pilipinas ay kinabibilangan ng internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zone, Exclusive Economic Zone (EEZ), at ang continental shelf.

No description available.

“Once the bill becomes the Maritime Zones Act after the President signed it into law, the Philippines shall exercise all other maritime rights and jurisdictions per UNCLOS, the 2016 South China Sea arbitral award, international law, and other pertinent laws and regulations of the Philippines,” ani Tolentino.

Ipinahayag niya na kasama sa mga probisyon ng panukalang batas na pumasa sa bicameral review ang mga penal sanctions na magiging batayan ng kaparusahan na ipapatupad ng Pilipinas sa mga lalabag sa Maritime Zones Act.

Nakasaad sa Seksyon 16 ng inaprubahang bersyon ng bicameral na anumang paglabag sa mga karapatan ng Pilipinas na nakasaad sa batas na ito ay dapat bigyang kaparusahan sa pamamagitan ng mga nauugnay na umiiral na batas at regulasyon. Sa kawalan nito, ang anumang paglabag ay saklaw ng isang administratibong multa na hindi bababa sa anim na daang libong dolyar ng (US$600,000.00) ngunit hindi hihigit sa isang milyong dolyar (US$1,000,000.00), o ang katumbas nito sa salapi ng Pilipinas.

Giit niya na sa pamamagitan ng Maritime Zones Act, mapapalakas ang pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil ito ay nagtatatag ng saklaw at hangganan ng kanilang territorial waters na isinasaad sa batas. RNT

Previous articlePinay sugatan sa stabbing spree sa New York; 3 pang biktima, mga Asian
Next articleFree trade talks sa pagitan ng EU at Pinas muling inilunsad