Home ENTERTAINMENT Mark, nagsalita na sa pagiging padre de pamilya

Mark, nagsalita na sa pagiging padre de pamilya

289
0

MANILA, Philippines – Sumabak na rin si Mark Herras sa pagnenegosyo.

Nagtayo siya ng store na ang ibinebenta ay mga karne.

Sabi ni Mark, “Syempre bago pa ang lahat sa akin. Marami pa akong inaalam na mga bagay-bagay.

“20 years ang ibinigay ko sa showbiz This is my first major business talaga, which is magandang type of business kasi, karne.

“Kumbaga everyxay ginagamit natin, binibili natin,

“Ito yung takbuhan ko after showbiz,” sabi niya.

Naisip ni Mark na bukod sa pag-aartista ay kailangan pa rin niya na humanap ng ibang pagkakakitaan para sa kanyang pamilya.

“Kaya siya mahalaga sa akin kasi ito yung bumubuhay sa pamilya ko.

“Ako kasi kumbaga, ang target ko sa buhay is to provide. To be the provider of my family.

“So kung hindi gaanong sinuswerte sa showbiz, hindi pwedeng mag-relax o magpahinga dahil may binubuhay akong pamilya,” pakli pa niya. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here