Home ENTERTAINMENT Mark, nagsalita na sa pagsayaw sa gay bar!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mark, nagsalita na sa pagsayaw sa gay bar!February 3, 2025 18:30 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Bawal judgmental.Ito ang mensaheng tila gustong iparating ni Mark Herras sa ilang taong hinahamak ang kanyang pagsasayaw sa isang gay bar.Nakadalawang beses na kasi siyang nagsayaw sa Apollo bar sa Roxas Blvd.People are looking down on him.Pero depensa ng Starstruck alumnus, hindi naman daw siya naghubad.Hindi rin daw siya nagsayaw a la macho dancer.Ang naging pagtatanghal daw niya’y walang iniwan sa mga raket niya sa fiesta.“Hip-hop ang sayaw ko. Ipinakita ko lang kung saan ako nakilala, ang pagiging ‘Kilabot ko sa Dance Floor!'” aniya.Aware din daw si Mark na gay bar‘yon: “Nagkataong wala akong ginagawa kaya pumayag ako!”Mark sees nothing wrong with grabbing the offer even if he’s being misjudged: “Ano’ng masama doon?“Trabaho ‘yon, malinis. Hindi naman din ako nagpa-table!”Wari’y ang gustong mangyari ng aktor ay lawak-lawakan naman ng ibang tao ang kanilang isip.“Malinis na trabaho ang pinasok ko…sa mga nagsasabi diyan ng kung anu-ano, wala akong pakialam sa kanila!” mariing sabi ni Mark. Ronnie Carrasco III