MANILA, Philippines – Umabot na sa hanggang P480 kada kilo ang presyo ng baboy sa National Capital Region.
Dahil dito ay nanawagan na ang mga magsasaka na magtakda ng maximum suggested retail price para sa mga karneng baboy.
Sa datos ng Department of Agriculture, ang presyo ng pork belly ay mula P380 hanggang P480 kada kilo, habang ang pork ham o kasim ay mula P340 hanggang P420 kada kilo.
Ikinokonsidera ng Samahang Industriya ng Agrikultura ang presyo ng baboy sa NCR na napakataas na.
“From P220 to P240 ang farmgate price so pinakamataas dapat nasa 380,” ani So.
Aniya, ang presyo sa mga probinsya ay nasa acceptable range pa naman.
“Nasa P380 to P400 yung liempo so yung kasim nasa P350 to P360.”
Anang grupo, panahon na para sa DA na ikonsidera ang paglalagay ng maximum suggested retail price sa mga baboy sa Metro Manila.
“Nagkaroon kami ng usapan mi sec na mag set ng meeting para ma check yung retail price dahil sobrang mataas yung P480 and siguro magkaroon ng set ang retail price doon sa merkado,” dagdag pa ni So.
“Kailangan siguro kasi sobrang mataas yon ang we think maski ang farmgate umabot ng P240 hindi dapat ganun ang presyo ng retail,” aniya.
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ikinokonsidera na ang panukalang ito.
“Ngayon ko pa lang uupuan talaga yan to see the whole value chain kung saan napupunta margin na 100 to 150 peso,” ayon kay Tiu Laurel. RNT/JGC