Home ENTERTAINMENT Mark, sumayaw sa gay bar!

Mark, sumayaw sa gay bar!

Manila, Philippines – Dati bang macho dancer si Mark Herras?

Wala bang masyadong raket sa showbiz kaya pati pagma-macho dancer ay pinatos na niya?

llan lang ito sa mga tanong ng netizens makaraang ibalandra sa Facebook ang paanyaya-post ng isang entertainment bar.

Nagtanghal kasi sa isang bar si Mark Herras.

At bilang come-on sa mga parokyano nito’y in-emphasize pa ang pagiging first male grand winner niya ng artista search ng GMA na Starstruck.

In fairness, namangha raw ang mga customer sa mga killer dance moves ni Mark.

Inabangan din daw sa entablado ang ilang matitikas at nagguguwapuhang in-house male models ng nasabing bar kasama ang mga drag queens sa gabing ‘yon.

Dahil dito, hindi maiaalis na mag-usisa ang mga netizens kung napaano na si Mark.

Wala raw ba siyang project sa GMA?

Matindi raw ba ang kanyang pangangallangan at pati pagsasayaw sa gay bar ay pinatulan na rin niya?

May ilan namang nakakaunawa sa tinaguriang Kilabot ng Dance Floor.

May asawa’t anak na si Mark at kailangan din naman niyang buhayin ang kanyang pamilya.

Kamakailan nga’y naipatayo na nila ng asawang si Nicole Donesa ang kanilang dream house.

Saka hindi naman nagpa-table si Mark, so walang masagwa. Ronnie Carrasco III