Home ENTERTAINMENT Martin, di naningil ng TF sa concert ni Marco!

Martin, di naningil ng TF sa concert ni Marco!

320
0

Manila, Philippines – In his 45 years in the singing business, ngayon lang magkakaroon ng first major concert si Marco Sison.

Titled Seasons of OPM, magsisilbing guests niya ang kapwa OPM hitmakers na sina Rey Valera at Nonoy Zuñiga.

Of course, kung nabubuhay pa ang kanilang quartet member na si Hajji Alejandro, he would have been included in the show.

Honest naman si Marco na bali-baligtarin man ang mundo ay irreplaceable ang mga nawala sa kanila na sina Hajji nga at Rico J. Puno.

Bukod kina Rey at Nonoy, espesyal din ang partisipasyon ni Martin Nievera.

Marco and Martin go a long way, pero ngayon lang sila magsasama in one show together.

Lalong bumilib si Marco sa Concert King dahil wala silang talent fee o presyong pinag-usapan.

What’s more, si Martin pa ang sumulat ng script nila o spiels sa gagawin nilang duet.

Of Marco’s guest performers, obvious na “miscast” si Vice Ganda.

Pero nakapangako pala ang It’s Showtime host kay Marco to guest in his show dahil may pinagsamahan sila noong mag-judge sa Tawag ng Tanghalan.

Obvious bang hindi rin big deal ang TF ng Unkaboggable Star?

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here