Home NATIONWIDE Mary Jane Veloso sa kanyang repatriation: ‘This is a miracle’

Mary Jane Veloso sa kanyang repatriation: ‘This is a miracle’

INDONESIA- Sinabi ng Filipina drug convict na nasa death row sa Indonesia, mula sa kulungan nitong Biyernes, na ang planong paglipat sa kanya ay isang himala, sa kauna-unahang panayam sa kanya mula nang lagdaan ng Manila at Jakarta ang kasunduan noong nakaraang linggo upang pauwiin siya sa Pilipinas.

Nadakip si Mary Jane Veloso, 39, at sinintensyahan ng kamatayan noong 2010 matapos matuklasan na naglalaman ang kanyang bagahe ng 2.6 kilo (5.7 pounds) ng heroin.

Giit niya at ng kanyang mga taga-suporta, niloko siya ng isang international drug syndicate, at noong 2015, nakaligtas siya mula sa bitay matapos maaresto ang hinihinalang recruiter niya.

“This is a miracle because, honestly, even now, it still feels like a dream. Every morning when I wake up, I think about my aspirations, aspirations that I never had any certainty about,” aniya nang kunan ng komento ukol sa desisyon.

“That’s why I always prayed to God, ‘Lord, I only ask for one chance to go home and be with my family’. And God answered that prayer.”

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Indonesia’s senior law and human rights minister Yusril Ihza Mahendra na isang “practical arrangement” ang tinintahan para sa kanyang repatriation.

Aniya, posibleng maganap ang pagpapalaya sa kanya “around December 20” bago mag-Pasko at narinig umano niyang ibaba ang kanyang death penalty sa life imprisonment.

Ayon sa kanyang mga taga-suporta, magtatrabaho sana bilang kasambahay si Veloso nang maaresto siya sa Indonesia.

“Since I heard the news, my feelings… were leaning more towards happiness. Because after almost 15 years, that is what I am waiting for… I can go home to my country,” wika ni Veloso.

“I need to prepare mentally to face it all. Be it to face my family, to face everybody out there. And physically, I must be healthy too.”

Ikinagalak naman ng kanyang pamilya at ng pamahalaan ng Pilipinas ang repatriation agreement. RNT/SA