Home NATIONWIDE Mas maaasahang serbisyo ng kuryente

Mas maaasahang serbisyo ng kuryente

default

MANILA, Philippines – Natapos kamakailan ng Manila Electric Company (Meralco) ang Napindan 115 kV Switching Station sa lungsod ng Taguig.

Nagkakahalaga ng P124.29 milyon ang proyektong naglalayong magkaroon ng alternatibong panggagalingan ng kuryente ang Cathay Pacific Steel Corporation (CAPASCO) at hindi maapektuhan ang voltage quality sa Pasig, Taguig at Mandaluyong kung sakaling magkaroon ng outage sa isa sa mga sub-transmission lines ng Pinagbuhatan-SM Shangrila.

Patuloy ang Meralco sa pamumuhunan nito sa mga pasilidad para mas masiguro ang tuluy-tuloy at maaasahang serbisyo ng kuryente para sa mga customer. RNT