Home NATIONWIDE Mas mabigat na daloy ng trapiko nararanasan na sa EDSA

Mas mabigat na daloy ng trapiko nararanasan na sa EDSA

358
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Umabot na sa higit 427,000 ang average daily traffic sa EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Karaniwang dumarami pa ang volume ng sasakyan ng 10% hanggang 20% tuwing holiday season, katumbas ng karagdagang 40,000 hanggang 85,000 sasakyan.

(c) Danny Querubin

Nitong Miyerkoles, mabagal ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA, kabilang ang southbound lane malapit sa Scout Albano at Kamuning Flyover, kung saan umaabot lamang sa 5 kph ang galaw ng mga sasakyan.

Mabigat na trapiko rin ang naitala sa Skyway northbound at SLEX Magallanes northbound. Sa bahaging Magallanes patungong Ayala, nasa 10 kph ang takbo ng mga sasakyan.

Nararanasan din ang mga choke point sa tapat ng mga mall entrance at sa mga U-turn slot sa EDSA. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here