Home NATIONWIDE Mas malalim na kolaborasyon sa PCG target ng EU

Mas malalim na kolaborasyon sa PCG target ng EU

188
0

MANILA, Philippines- Sa pamamagitan ng pagtutulungan, palalakasin ng European Union at Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapalaganap ng mga pagkakataon para sa mas malalim at mas strategic na partnership.

Bilang pinuno ng delegasyon ng EU sa Pilipinas, sina Mariomassimo Santoro at EU First Secretary at Political Officer Frederic Grillet ay nagsagawa ng courtesy visit kay PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan sa PCG national headquarters sa Port Area, Manila noong Martes, Mayo 13.

“Ang pagbisita ay nagpalakas ng maritime cooperation at nag-explore ng mga bagong paraan para sa mas malalim at mas estratehikong kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng European Union,” sabi ng PCG sa isang pahayag noong Miyerkules, Mayo 14.

Ayon sa PCG, nakikipagtulungan ito sa EU mula pa noong 2023. Pangunahing nakatuon ang kanilang mga ugnayan sa kooperasyong pandagat tulad ng capacity building, maritime security, at development assistance.

“Strengthening PH-EU ties in trade, security, and development remains a priority to ensure sustainable and inclusive progress,” ayon sa pahayag ng PCG.

Matatandaang inilunsad ng gobyerno at EU ang technical assistance project para mapabuti ang seafarers training, education at working conditions ng Pilipinas.

Ang proyekto, na tatakbo mula Setyembre 2024 hanggang Nobyembre 2027, ay “susuportahan ang pagpapabuti ng pagsasanay, sertipikasyon, at kagalingan ng mga Pilipinong marino upang patuloy silang magtrabaho sa ibang bansa at sa ilalim ng magandang kondisyon sa paggawa.”

Ang PCG ay nakikipagtulungan sa proyekto kasama ang Department of Transportation (DOTr), Maritime Industry Authority (Marina), Commission on Higher Education (CHED), at Maritime Higher Education Institutions.

Nagpahayag din ng suporta ang EU sa pagsisikap ng PCG sa pagbabantay sa mga Pilipinong mangingisda at barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng pangha- harass ng mga Chinese. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here