Home ENTERTAINMENT Vilma at Ryan, wagi sa Batangas; Luis, olats!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Vilma at Ryan, wagi sa Batangas; Luis, olats!May 14, 2025 16:03 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Matagumpay ang pagbabalik-pulitika ni Vilma Santos-Recto.Tinambakan niya kasi ang kanyang nakatunggali sa gubernatorial race sa buong lalawigan ng Batangas.Pero hindi naging kasingpalad ng ina ang kanyang anak na si Luis Manzano.Ang TV host-actor ang runningmate ni Vilma na tinambakan ng kalaban nito.Obyus na napakalakas ng name recall ng apelyidong Recto.Alam naman nating lahat na hindi isang Recto si Luis, unlike his half-brother Ryan Christian na nagpakitang-gilas.Ryan emerged as the winner in the 6th district of Batangas.Kunsabagay, maaaring sabihing Luis is not really cut out for politics.May fallback naman siya, being showbiz as one of the country’s finest TV hosts and credible product endorsers.Saka unang sabak pa lang naman ng mister ni Jessy Mendiola, who knows, the 2028 polls might turn in his favor? Ronnie Carrasco III