Home NATIONWIDE Mas malalim na kooperasyon sa Indonesia target ng NCMF

Mas malalim na kooperasyon sa Indonesia target ng NCMF

MANILA, Philippines- Nakikipag-ugnayan ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa iba’t ibang Indonesian government agencies upang bumuo ng bilateral cooperations, kabilang ang Madrasah scholarships at Halal products, kung saan mas maraming Muslim Filipinos ang mabebenipisyuhan.

“In the spirit of One ASEAN Community, the NCMF, through its delegates, reached out to the Indonesian government for significant partnerships that will directly benefit Muslim Filipinos, especially the youth, through scholarships in Indonesia,” pahayag ni CMF Secretary Sabuddin Abdurahim sa isang news release nitong Linggo.

Sinabi ni Abdurahim na ang NCMF mission kamakailan sa Jakarta “has been fruitful,” kung saan naghayag ng interes ang General of Islamic Education ng Ministry of Religious Affairs ng Indonesia sa pagbubukas ng Madrasah scholarships para sa Muslim Filipinos sa Pondok Pesantren Darullughah Wadda’Wah na saklaw na ang gastos sa living allowance.

Aniya, inihahanda ng Komisyon, sa pamamagitan ng Bureau of Muslim Cultural Affairs nito, ang memorandum of understanding (MOU) para sa scholarship.

Bukod sa Madrasah scholarship, hinimok ng Indonesia Endowment Fund for Education (Lembaga Pengelola Dana Pendidikan or LPDP) ang Muslim Filipinos na mag-apply para sa Master of Arts o Doctor of Philosophy sa Universitas Islam Internasional Indonesia, isang bagong tatag na graduate institution na nag-aalok ng iba’t ibang academic programs na tumututok sa pag-aaral ng Islam at may iba’t ibang research centers. RNT/SA