Home NATIONWIDE Mas malalim na PH, Czech Republic ties target ni PBBM

Mas malalim na PH, Czech Republic ties target ni PBBM

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes na maraming salik ang dapat siyasatin sa relasyon ng Pilipinas at ng Czech Republic.

Ito ay sa isinagawang courtesy call ni Czech Republic Defense Minister Jana Cernochová sa Philippine leader. Matatandaang March 2024 nang magsagawa si Marcos ng state visit sa Prague.

”The discussions that we had in Prague did not end in Prague. They continue to go on between our two countries, and I am very optimistic for the future in terms of our relationship with each other,” pahayag ni Marcos.

”In all things, on the people-to-people side, on the economic side, the defense and security, the diplomatic and the problem with the government. So I think that really there is much that we can do together, and there are many areas that we still need to explore,”  dagdag niya.

Ani Marcos, masaya siyang tanggapin si Cernochová sa Manila.

Noong 2022, pumwesto ang Czech Republic bilang ika-39 trading partner at ika-47 import supplier ng Pilipinas.

Hanggang noong December 31, 2023, ang bilang ng mga Pilipino sa nasabing bansa ay tinatayang 7,026 base sa datos mula sa Czech Ministry of Interior.

Sila ay nasa processing industry, automotive, repairs of appliances, manufacturing, IT communications, real estate, health/wellness, at household service work. RNT/SA