Manila, Philippines – Lumikha ng furor among the netizens ang mga ibinigay na dahilan ni Derek Ramsay sa kanyang ina kung bakit he wanted to marry Ellen Adarna.
Nag-enumerate kasi ang Fil-Brit actor ng mga katangian ni Ellen.
Para kay Derek, na kay Ellen na raw ang mga traits o katangian na hinahanap niya sa isang babaeng he’d wish to settle down with.
Nagtaka raw kasi ang ina ni Derek kung bakit ang bilis nitong nakapag-decide na pakasalan si Ellen.
Ani Derek, hindi nga naman siya bumabata.
Then he began to rattle off Ellen’s endearing qualities.
“She’s beautiful, check! She’s a good mom (to her son Modesto), check. She loves me, check. And I’m sure she’s not gonna cheat on me, check.”
‘Yung linyang kasunod nito ay obyus na ikinalito ng mga netizens.
Derek’s last line was: “I know she’s not after my money!”
Ano raw ba ibig sabihin ni Derek–na mas mayaman siya kesa kay Ellen?
Depensa naman ng mga maka-Ellen–both are rich, but Ellen was born rich.
Talagang pinagtalunan pa kung sino kina Ellen at Derek ang mas mapera.
To play safe, kapwa hindi na gaanong aktibo ang couple sa showbiz.
Sa dami ng holdings at assets nila, bakit pa nga naman nila gugustuhing magtrabaho? Ronnie Carrasco III