Home NATIONWIDE Mas malawak na sidewalk, maayos na biyahe asahan sa EDSA rehab –...

Mas malawak na sidewalk, maayos na biyahe asahan sa EDSA rehab – Dizon

10
0

MANILA, Philippines – Asahan ang mas malawak na sidewalk at maayos na biyahe ng mga motorista sa EDSA sa oras na makumpleto na ang rehabilitasyon sa susunod na taon, ayon kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Hulyo 20.

“Buong stretch ng EDSA mula south hanggang Monumento lalaparan natin ‘yung sidewalk para sa mga kababayan natin,” sinabi ni Dizon sa panayam ng GMA News.

Aniya, dekalidad ang aspalto na ginagamit sa EDSA na kapareho ng ginagamit sa Japan at Korea.

“Ongoing ang Phase 2 (ng EDSA rehabilitation) mula Guadalupe Orense hanggang Monumento. Ngayon nagtatrabaho tayo sa Monumento side. Kanina ininspeksiyon ko ‘yung bandang Boni papunta ng Shaw Boulevard, nag-aayos na rin tayo diyan. By next year, tingin ko, tapos na ito,” ani Dizon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here