Home METRO Mas maraming K9 units ipakakalat sa MRT, LRT stations

Mas maraming K9 units ipakakalat sa MRT, LRT stations

MANILA, Philippines – Magpapadala ng mas maraming K9 units ang Department of Transportation (DOTr) sa mga istasyon ng MRT-3 at LRT sa Metro Manila bilang kapalit ng mga X-ray machine upang mapagaan ang congestion.

Ininspeksyon ni DOTr Secretary Vince Dizon ang mga bomba-sniffing dogs sa Philippine Coast Guard K9 Facility sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Dizon, ang pagtanggal ng mga X-ray scanner sa MRT-3 stations ay makakatulong para mabawasan ang haba ng pila.

Maglalagay din ng mga AI-enabled CCTV cameras upang mapabuti ang seguridad nang hindi naantala ang mga pasahero. RNT