Home NATIONWIDE Pinoy videographer ng bastos na Russian vlogger, pananagutin din

Pinoy videographer ng bastos na Russian vlogger, pananagutin din

Iniharap sa mga media ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang Russian-American content creator na si Vitaly Zdorovetskiy na nambastos ng ilang Filipino at ginawa pa nitong content habang bumibisita sa bansa.Nilinaw ni Sec. Remulla na hindi basta ipapadeport ng pamahalaan ang vlogger na idineklara nang ‘undesirable alien’ at nasa ilalim ng ‘restrictive custody’ ng Bureau of Immigration.Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng vlogger sa bansa. Habang nasa harap ng media ay patuloy ang ginagawa nitong pang-iinis at pang-aasar sa harap mismo ni DILG Sec. Remulla. VAL LEONARDO

MANILA, Philippines – Ang videographer ni Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy, si Christopher Dantes (alias Skylane), ay kinasuhan ng unjust vexation kaugnay ng Republic Act 10175 at Anti-Photo and Video Voyeurism Act.

“Para po dito sa sinasabing videographer or cameraman po na kasama po ni Vitaly Zdorovetskiy, ngayon po ay nasampahan po siya, ayon po sa PNP, nasampahan na po siya ng kaso, itong si Christopher Dantes alias Skylane,” ani Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire.

“Nasampahan po siya ng kasong unjust vexation in relation to RA (Republic Act) 10175 and RA 995 at saka po Anti-Photo and Video Voyeurism Act,” dagdag pa niya.

Inaksyunan ito ng Philippine National Police (PNP) matapos makitang kasali siya sa pagkuha ng mga video ng harasment ni Zdorovetskiy sa mga Pilipino, kabilang ang mga insidente ng pagmumura sa mga security guard at pagnanakaw ng isang industrial fan habang nagla-livestream sa Taguig City.

Tiniyak ng pamahalaan na bibigyan siya ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili sa ilalim ng due process. RNT