MANILA, Philippines – Ngayong Linggo, inaasahan ang “delikadong” init sa ilang bahagi ng bansa, na aabot hanggang 43°C ayon sa PAGASA.
Kabilang sa mga lugar na may pinakamataas na heat index ang Laoag City, Dagupan City, at San Jose (Occidental Mindoro), pati na rin ang Bacnotan, Aparri, Tuguegarao, Baler, Iba, Coron, at Masbate City.
Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay nagdudulot ng mataas na panganib ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Samantala, makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Mindanao, Palawan, at ilang bahagi ng Eastern Visayas dahil sa Intertropical Convergence Zone at easterlies.
Maaaring magkaroon ng isolated thunderstorms sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. RNT