Home NATIONWIDE US aircraft carrier nasa Pinas din

US aircraft carrier nasa Pinas din

MANILA, Philippines – Inihayag ng U.S. Navy na ang USS Nimitz (CVN 68), na nangunguna sa Nimitz Carrier Strike Group, ay kasalukuyang nagpapatrolya sa Philippine Sea matapos ang nakatakdang pagdaong nito sa Guam.

Ipinapakita ng hakbang na ito ang kahandaan ng US Navy at ang kanilang pangako sa isang ligtas na Indo-Pacific region. Kasama sa strike group ang Carrier Air Wing 17 at Destroyer Squadron 9, na binubuo ng USS Gridley, USS Lenah Sutcliffe Higbee, USS Curtis Wilbur, at USS Wayne E. Meyer.

Ang deployment na ito ay sumunod sa pagkumpirma ng presensya ng Chinese aircraft carrier na Shandong malapit sa bansa. RNT