Home METRO SK chair, kasabwat arestado sa P.1M bato

SK chair, kasabwat arestado sa P.1M bato

Naaresto ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson at ang kasama nitong si “Baki” sa isang drug buy-bust operation sa Butuan City noong Huwebes, Abril 24, 2025.

Nakumpiska ng Butuan City Police ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP170,000.

Ang SK chairperson na si “Kenth,” 21, at ang kasama niyang si “Baki,” 34, ay nakalista bilang high-value individuals sa local drug watchlist.

Binanggit ng BCPO na ang batas ay pantay-pantay para sa lahat, anuman ang kanilang posisyon sa komunidad, at nanawagan sila ng suporta mula sa mga residente laban sa iligal na droga. Santi Celario