MANILA, Philippines- Nanawagan si Vice President Sara Duterte, araw ng Sabado para sa mas matatag na batas at pagkakaisa, multisectoral approach para tiyakin ang proteksyon ng mga kababaihang Pilipino mula sa karahasan at pang-aabuso.
Sa naging mensahe ni VP Sara sa pagdiriwang ng International Women’s Day at National Women’s Month, hinikayat nito ang bansa na magkapit-bisig na patatagin ang batas, paghusayin ang access sa katarungan, at suportahan ang mga ‘survivors’ ng gender-based violence.
“Every sector of society—government, private institutions, civil society, and individuals—must work together to break the cycle of abuse and exploitation,” ayon kay VP Sara.
Nanawagan naman ito sa mga Pilipino na hamunin “deeply rooted norms” na nagbibigay-daan sa karahasan, sinabi ni VP Sara na: “The fight for women’s rights is not just about closing economic and political gaps—it is about ensuring that every woman and child is protected, heard, and allowed to thrive.”
Binigyang-Diin ni VP Sara ang mga kababaihang Pilipino na “at the forefront of change” sa government service, innovation, at palakasin ang mga komunidad.
“Yet, we cannot ignore the alarming reality that violence against women and children and human trafficking continue to threaten the safety and dignity of many,” ang winika pa rin ni VP Sara.
“Gender-based violence, including domestic abuse, online exploitation, and trafficking, remains as a persistent barrier to women’s empowerment,” aniya pa rin.
“Together, let us build a future where no woman fears for her safety, where every girl can pursue her dreams without fear of violence, and where equality is not just a goal, but a lived reality,” lahad ng Bise-Presidente. Kris Jose