Home NATIONWIDE PBBM nakiisa sa International Women’s Day

PBBM nakiisa sa International Women’s Day

MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang karapatan ng mga kababaihan sa pagkilala niya sa kontribusyon ng mga Pinay sa nation-building.

Sa kanyang International Women’s Day at National Women’s Month message, sinabi ni Marcos na ang “Bagong Pilipinas” campaign ng kanyang administrasyon “will always advocate for women’s rights and vigorously oppose anything threatening their progress.”

Inilarawan ng Pangulo ang mga Pilipinas bilang “dynamic and ever-evolving, similar to our Inang Bayan.”

“Many of the developments we witness today can be attributed to the innumerable contributions of women across generations who fought, struggled, and advocated for various noble causes,” wika ni Marcos.

“From the babaylans, katipuneras, and Filipina guerillas of the past to the frontliners, professional trailblazers, and visionary leaders of today, our country has produced millions of empowered women who gave their knowledge, talents, and even their lives for the sake of many.”

“As we mark this special occasion, let us recognize the significance of women as an unshakeable force that nurtures, perseveres, and redefines,” dagdag niya.

Nanawagan naman ang Pangulo sa sa buong bansa na suportahan ang mga kababaihan upang iangat ang bansa at natitirang bahagi ng mundo.

“We will never grow weary of retelling the stories of remarkable women so we can inspire a new generation of young girls to make their mark on society. Mabuhay ang mga kababaihan ng ating bayan!” pahayag ni Marcos. RNT/SA